Friday, June 18, 2010

Nasan ako?

Sagot: nasa puso mo. Hahaha. Joke yon. Alam naman nating pareho kung sino ang nasa puso mo. Hindi ko rin alam, hindi ako sigurado kung gusto ko rin bang mapunta diyan.

Sa ngayon, natatakot akong matuluyan. Minsan kase, pakiramdam ko, umaasa na ko. Ayoko ng ganun. Gusto ko sanang mag-inarte at sabihing hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, na hindi ko alam kung ano to. Na hindi ko alam kung bakit madalas kita naiisip - kapag nasa bus ako, nasa trese class, nasa kama ko bago matulog. Isama mo pa yung mga random na pagkakataong hindi ko namamalayan na iniisip na pala kita - daydreaming ba tawag dun? Oo. Hindi ko alam, kahit hanggang ngayon kung bakit ayokong umamin, e kahit kanino mo pa itanong napaka-liwanag naman ng katotohanan.

May gusto 'ko sa'yo.

Parang umiiba yung anggulo ng tilt ng mundo kapag nagtetext ka. Nahihilo ko sa biglang pag-iba ng tibok ng puso ko. Kapag naiiwan tayo na tayong dalawa lang, para 'kong loro - nakakapagsalita pero ginagaya o nirerephrase ko lang yung sinasabi mo, may masabi lang. Basta dapat may masabi, para hindi mo mahalatang wala naman talaga kong masabi (ay, teka, hindi ako sigurado kung nakakapag-rephrase din ang mga loro haha). Hindi ako makapag - isip nang maayos kasi kaya hindi ko alam kung ano sasabihin ko kahit ang tinatanong mo lang naman e kung ano ang sakay ko pauwi. Hindi ako makapag-isip, kase siguro na-o-over power ng puso ko ang isip ko kapag kasama kita (leche. ang baduy. sabi na e, kaya ayokong nagsusulat tungkol dito). Pakiramdam ko makukuryente ako kapag nadikit ako sa'yo kaya hindi ako makakilos kapag malapit ka sa'kin. Kulang nalang manigas ako habang naglalaway at nakalabas ang dila. Hindi rin ako makatingin nang diretso sayo kase nagi-guilty ako. Kase, wala kang kamalay-malay. Nahihiya ako sa nararamdaman ko. Tsaka isa pa, mejo iba na rin nararamdaman ko kapag nakatingin ako sa'yo tapos nakatingin ka sa kanya tapos kitang-kita sa mga mata mo kung gano mo siya ka-gusto. Kahit sinabi mo pa na naka-move on ka na, nababasa ko pa rin sa mukha mo na stuck ka pa rin. Naisip ko, ganun mo siya ka-gusto para makita ko pa rin kahit pa hindi mo na masyadong pinapakita.

Isa pang dahilan kung ba't ayoko ding masyadong nagsasa-sama sayo kase pakiramdam ko pag ganun, tine-take advantage kita. Kaya nga minsan iniisip ko, ano kaya kung sabihin ko nalang sa'yo? Total, sa'yo na din naman nanggaling na mas okay sayo kung sasabihin sayo ng isang tao kung may gusto siya sayo. Para alam mo na kung bakit nawala na yung mga hirit ko, kung bakit hindi na ko makapag-patawa.

E, kaso nga shy ako. Ay hindi pala, takot lang ako na harap-harapan mong sabihin sakin na hindi tayo pareho ng nararamdaman. So, hindi ko na alam kung pride o puso talaga ang iniingatan ko dito ngayon. Basta, nahihiya ako sa'yo. Fuck lang, parang hayskul. Parang first time.

Sabi mo sa'kin tanggap mo na na hindi ka talaga niya type, na wala talaga. Pero hind naman totoo yon dahil nararamdaman ko na umaasa ka pa rin at isang sabi niya lang na oo, sige na nga may pag-asa ka na, bibigay ka na uli at iaalay ang sunken garden sa kanya. Kung alam mo lang, ako, di lang sunken ang idi-dedicate ko sa'yo kundi buong acad oval.

Pag kaya umamin ako sayo, hahayaan mo lang ako na pasayahin ka sa paraang gusto ko? Bibigyan mo kaya ako ng pagkakataon at titingnan kung pwede? Kung may mangyayari?
Kung "Oo" ang sagot mo sa lahat ng yan, pramis, i-ja-jog ko ang acad oval ng limang ikot (hanggang dalawa lang kaya ko so far), at araw - araw ko sasabihin sa'yo na ang kyot mo. Seryoso.

soundtrack: maybe by kelly clarkson

2 comments:

  1. hoy keysi! yiy!<3

    naku..nakakapag-tagalog ka na ng gantong kahaba?XD aba teka. parang pamilyar 'tong ganitong sentimyento de asukal sa akin?..haha

    yung dslr mo...di ko pa nagagawa. patawad.:(
    kaya mo yan keys! fighting!

    ReplyDelete
  2. jo an! huhu i miss youuuuu! ok lang kahit matagal na matagal pa yung dslr ko. anyhue, oo nakapagtagalog ako -hindi ko kase mahanapan ng proper english words ang feelings ko ngayon. HAHA.

    fighting din sayo jo an! goodluck sa sem naten! i miss you i miss you!

    ReplyDelete